(Photo credit: gamerz2gamerz08 .wordpress.com) |
Patok na patok ngayon ang tinatawag na costume play o mas kilala sa tawag na “cosplay”. Ito ay isang pagganap kung saan ang mga kalahok ay nagsusuot ng mga kasuotan at palamuti hango sa isang karakter o ideya mula sa popular na palabas, komiks, pelikula, computer games, manga, animé at iba pa.
Naging kilala man itong libangan sa bansang Japan kung saan unang ginamit ni Nobuyaki Takahashi ang salitang cosplay, una itong nasaksihan sa Estados Unidos. Dito ginaya ang mga sikat na pelikula tulad ng Star Trek, Star Wars, Doctor Who at iba pa.
Pakay nito na isabuhay ang mga karakter katulad ng pagsasabuhay ng mga aktor sa isang palabas. Masinsinang ginagaya ng mga “cosplayer” ang pananamit, kagamitan, kilos, emosyon, pananalita at mannerism ng karakter na kanila isinasalarawan. Sa paraang ito, nararamdaman nilang para ila na mismo ang karakter.
Hindi madali ang paghahanda para rito. Kadalasan ang mga kagamitan at kasuotan na kanilang ginagamit ay ipinapasadya pang yariin upang magaya ng husto ang karakter. Umaabot nga ang ilan ng libu-libo. Kabilang sa Pilipinong naging kilala sa larangang ito ay si Alodia Goseingfiao na biniansagang Reyna ng mga Cosplayers. At sa popularidad ng pasinayang ito, naitatag na ang kauna-unahang cosplay museum sa bansa, Enero 8 ng nakaraang taon. Bagay ng nagpapahiwatig ng pakikisabay ng mga Pilipino sa hindi maiiwasang pagbabago.
Hindi maikakaila na tayong mga pinoy ay may tatak na mga dakilang imitator o may kahiligan nga sa pagsunod ng kung ano ang nauuso at sadyang hindi naman matatawaran ang ating galing sa larangang ito. Isa ring dahilan ang tinatawag na self expression o pagpapahayag lamang ng saloobin ng isang tao at paraan upang makatawag ng atensyon. Sa kadahilang ito, nagiging madali para sa atin ang gampanan ang ilang pagsasabuhay ng mga sikat na karakter ayon sa ating mga nakikita dahil likas sa mga kaugalian natin ang mga ito. At lamang tayo dito!
Kung saan man patungo ang mga pagbabago, siguradong hindi papayagang mahuli ng mga Pilipino. Sadlak man sa sari-saring anyo ng kahirapan, makasisigurong kang may mga ngiti ka paring masisilayan hanggang kinabukasan.

sna may event din sa school katulad ng cosplay...
ReplyDeleteI agree with anon. Maybe during Uni-week? :)
ReplyDelete